Sharon, Windang sa regalo ni Khalil!

Feeling namin, kapag ikinasal sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, kabilang sa magiging ninang nila si Sharon Cuneta.
Naging close kasi si Mega kina Khalil at Barbie Forteza sa taping ng series na Honor Thy Mother at itinuturing niyang mga bagong anak ang dalawa. “Mama Sharon” naman ang tawag ni Khalil kay Mega.
Sa post ni Khalil sa Instagram, nagpasalamat siya kay Sharon sa maganda nitong ipinakita, lalo na sa kanya na first time makatrabaho si Mega.
“I remember asking Gabbi, ‘What do you give someone who pretty much has everything already?’ I had such a hard time figuring out. But Gab told me lets just give her something she would remember.
“During our time on set. Whenever the cameras weren’t rolling, I’d sometimes see Mama Sharon watching her old concert videos and looking through old photos as she prefers for her US tour. She told me it was her “pampalakas ng loob.”
“That’s when I remember @archivo1984 who has been collecting and preserving Philippine film and TV memorabilia for decades. I reached out to ask what they had of Sharon Cuneta, and thankfully, they had some really special pieces. Rare photographs, behind-the-scenes moments, some of which have never been seen.
“Thank you, Mama Sharon for your kindness, generosity, and for being such an inspiration. I came into Honor Thy Mother getting to work with the one and only Megastar, but walked away feeling like I had found another mom,” bahagi ng post actor.
Kasama ni Khalil si Gabbi Garcia nang ibigay ang wrap up gift niya kay Sharon at sa reels, maririnig na puro “Oh, My God!” na lang ang paulit-ulit nitong nasabi. Sinundan ng “It’s the best... the best” at nag-throwback na at ikinwento ang story behind the photos.
John at Heart, matatamis ang galawan
Aliw ang fans, nagtatanong at curious silang malaman kung hindi raw ba nagseselos si Isabel Oli kay Heart Evangelista at hindi raw ba nagseselos si Sen. Chiz Escudero kay John Prats? Dahil ito sa closeness nina Heart Evangelista at John ngayon at lalo pang magiging close kapag nagsimula nang mag-shooting ng reunion movie nila.
Lalo na sa latest photos nina John at Heart, hindi lang sila laging magkatabi, may pa-holding hands pa at may tinginan pang malagkit (fans ang nagsabi nito). May nagbiro pa ngang fan, pinost ang photo nina Heart at John at may caption na “Sen. Chiz unsent this photo.”
Pero, ano nga kaya ang nararamdaman ng mga asawa nina Heart at John na marami pa rin ang kinikilig sa tambalan ng mga mahal nilang asawa?
- Latest






















