Kita sa Facebook ads, planong harangin

Kapag tumanggi si Zuckerberg sa pananagutan
MANILA, Philippines — Kapag tumanggi sa pananagutan si Meta Chief Executive Officer Mark Zuckerberg ay iminungkahi ni Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na harangin ang kita sa advertisements ng Facebook.
Iginiit din ni Garin na bukod sa Meta ni Zuckerberg ay dapat ding panagutin ang iba pang mga social media platforms.
Ayon kay Garin nahihirapan ang mga otoridad sa Pilipinas na aksiyunan ang mga problema sa isyu sa Facebook content dahilan ang lokal na operasyon nito ay nakapokus sa marketing o pagkita sa mga advertisement.
Una nang sinuspinde ng Kamara ang deliberasyon sa panukalang pondo ng Department of Information and Communication Technology (DICT) habang nagde-demand sa mas pinalakas na plano ng gobyerno na kalusin ang mga platforms na may mga scams, illegal gambling, child exploitation at iba pang mga materyales na nanghihikayat ng karahasan.
Nais din ng ilang mambabatas ng Kamara na ipa?awag si Meta CEO Zuckerberg na ayon sa DICT ay sila na mismo ang mag-iimbita hinggil sa ilang mga problema sa isyu sa Facebook na bentahe sa Pilipinas.
“Pero puwede ka namang makipag-ugnayan sa ibang ahensya.There’s always a whole-of-government approach at diyan tayo nakukulangan,” punto ni Garin.
Nanawagan ito sa Meta na panatilihin ang mga personnel nito sa bansa para tumanggap ng mga reklamo at agad na maaksyuhan sa halip na i-refer lamang ang problema sa mga otoridad sa Pilipinas.
Sinang-ayunan naman ng DICT ang punto ng mga mambabatas sa mas pinalakas na pagbabantay at pagtatanggal sa mga mapanganib na content na karaniwan ng ginagawa ng mga kabataan.
- Latest

















