Pinoy boxers nalagasan agad

MANILA, Philippines — Namumurong malagasan ng potensyal na medalya ang Team Pilipinas sa pambatong boxing event ng 2026 Achi-Nagoya Asian Games sa Japan.
Posibleng hindi kasi makahabol sa Japan ang batikang fighter na si Eumir Marcial, ayon mismo kay pangulong Marcus Manalo ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), dahil sa kasabay na kampanya niya sa professional boxing sa USA
“Mahirap umasa. Very stressful umasa,” ani Manalo. “I think malabo na. Mabigat din ang kalaban niya. If he wins, ano ang condition niya? Kung makahabol siya, may jetlag pa siyang haharapin.”
Mapaplaban ngayon si Marcial kontra kay Omar Huerta ng Mexico sa 8-round middleweight sa Temecula, California kasabay ng official draw para sa inaabangang boxing event ng continental quadrennial games simula sa Setyembre 23.
Wala pang galos si Marcial (7-0) sa pro boxing kontra kay Huerta (15-1-1, 13 KOs) subalit walang kasiguruhan kung ano ang magiging resulta ng bakbakan bago ang kampanya niya sa Asiad. Galing din siya sa injury na dumagdag sa pangamba ng ABAP.
Isa sana si Marcial, na lalaban sa men’s 80kg division, sa inaasahang sumikwat ng medalya matapos ang tanso at pilak na sa 2018 Jakarta-Palembang at 2023 Hangzhou Asian Games sahog pa ang bronze medal sa 2020 Tokyo Olympics.
Kaya aasa ang ABAP sa mga beteranong sina Nesthy Petecio, Aira Villegas at Carlo Paalam upang makapag-uwi pa rin ng medalya.
- Latest



















