^

Pang Movies

Khalil, game sa kapwa lalaki!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Khalil, game sa kapwa lalaki!
Khalil Ramos
STAR/ File

Game si Khalil Ramos sa kis­sing scene sa kapwa-lalaki sa bago nyang BL (boys’ love) project.

Bida ang aktor/singer sa BL movie na Patay Gutom, one of the seven official entries of the 2026 Puregold CinePanalo Film Festival (CPFF).

Mula sa direksyon ni Carl Papa with Ian Pangilinan as Khalil’s co-actor, iikot ang kwento tungkol sa isang binata na may third eye at makikilala ang ghost ng isang lalaki na hahantong sa isang pagkakaibigan.

Dumalo si Khalil sa announcement ng official entries ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival held last Thursday kung saan siya nakausap ng entertainment press.

Excited ang aktor sa bagong challenge na ito sa kanyang career.

Nang matanong nga kung willing ba siyang makipag-kissing scene sa kanyang co-actor, aniya ay wala namang problema as long as kailangan sa script.

“As long as the script goes for it, 1am a firm believer na story is king, and the scene is required to communicate the truth, and that’s good,” sey ng aktor.

At ang isa pa sa nakaka-happy kay Khalil ay ang suporta ng kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia. “She’s actually very excited nang nakita niya ang teaser. The both of us were very much excited to see it. Hopefully, we get to attend the premiere,” aniya.

Samantala, dumalo rin sa Cine­Panalo event ang 19 filmmaker na kalahok sa student shorts category ngayong taon.

Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa, ang bagong henerasyon ng mga boses sa mundo ng pelikula ay sabik na mag-iwan ng marka sa paparating na festival ngayong taon.

Magsisimula ang CinePanalo Film Festival 2026 mula Sept. 23 hanggang Oct. 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!

Baron, nabiktima ng ‘fan’

Nabiktima ng scam si Baron Geisler matapos na may tumawag sa kanya na nagpakilalang fan.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang social media page ang nangyari kung saan ay sinagot niya ang video call ng isang tagahanga. “This morning, something really weird happened. A girl who I thought was a fan messaged me saying I should call her because it was urgent, so I answered,” post ni Baron sa kanyang Instagram Story.

Nang sagutin niya raw ang tawag ay nagulat na lang siya na may ginagawang hindi tama ang babae sa camera at mabuti na lang ay naramdaman niya agad na scam ito.

“The moment the call started, she was doing something inappropriate on camera. I immediately realized this was some kind of scam, and appa­rently l’m not the only one who got targeted this has been an ongoing scam,” saad ng aktor.

Kaya naman pinag-iingat niya ang mga kapwa niya artista mula sa mga nagpapanggap na fans

GABBI

KHALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with