Baguhang aktor, sa ibang shooting ni Direk napasabak
PUMARAAN ang isang klosetang director upang matikman ang isang baguhang aktor.
Eh may pangalan na rin kasi ang director kaya feeling ng baguhan eh makakatulong ito para magkaroon siya ng projects sa movie at makilala.
Kaya naman nang tumawag ang director sa baguhan at pinapupunta sa bahay, agad tumungo siya sa bahay ng director.
Isasama raw kasi siya sa bagong pelikula ng director kaya humangos agad siya para pag-usapan ang shooting.
‘Yun nga lang, hindi shooting sa pelikula ang gagawin nila. Shooting sa kama!
Eh hindi na rin tumanggi ang baguhan dahil nangako ang director eh isasama ang baguhan sa bagong project.
Mukhang lalaki ang director kaya hindi akalain ng baguhan na mahilig din pala ito sa tender, juicy hotdog!
Cinepanalo, mas dumami ang kasali
GUSTONG mabigyan ng CinePanalo ng Puregold ang baguhang filmmakers ng chance kaya naman sa ikatlong taon ng festival eh dumarami na ang nagiging interesado!
Ayon sa Festival Director na si Chris Cahilig, may perang ibinibigay sa main feature na mapipili bukod sa iba pang tulong sa ibang aspeto ng filmmaking.
Maging ang napili sa Student Shorts Category ay may cash incentives din bukod sa iba pang tulong.
Target ng CinePanalo ang mga kabataan na nais ibahagi ang kanilang kaalaman sa larangang ito.
This year, pito ang finalists sa Full Length Category – Apol of My AI – Zanjoe Marudo, Zion Cruz at Rochelle Pangilinan – Thop Nazareno: Beast – John Arcilla- Lawrence Fajardo: Mono No Aware – Juan Karlos Labajo – BC Amparado: Multwoh (Patay Na Patay Sa‘yo) – Sassa Gurl and Joao Constancia – Rodina Sigh: Patay Gutom – Khalil Ramos, Ian Pangilinan, Agot Isidro and Cris Villanueva – Carl Papa and Ian Pangilinan; Stuck On You – Xyriel Manabat and River Joseph – Miko Baldoza: Wantawsan – Joross Gamboa, Rita Daniela and Zion Cruz – Joseph Aballo.
Apat na sets naman ang kalahok sa CinePanalo Student Shorts Category at impressive ang teaser na ipinakita sa mediacon last Thursday sa Skyview sa Gateway.
Ang CinePanalo ay magsisimula sa Sept. 23 hanggang Oct. 4. Mapapanood ito sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!
- Latest





















