^

PM Sports

Eala tatabo sa US Open

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling tataba ang bank account ni Alex Eala sa kampanya nito sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York.

Makasisiguro na si Eala ng $140,000 o halos P9 miyon na  premyo sa pagpasok pa lamang nito sa main draw ng torneo.

Kung aabot pa si Eala sa second round, tataas ang kikitain nito sa $190,000 o P11.5 milyon.

Magkakamit si Eala ng $290,000 (P17.6M) kung papasok ito sa third round, $480,000 (P29.2M) sa fourth round, $780,000 (P47.5M) sa quarterfinals at $1,450,000 (P88.4M) sa semifinals. Nakaabang ang $2,800,000 (P170.8M) sa runner-up at tumataginting na $5,500,000 (P335.5M) para sa magkakampeon.

Kaya naman pukpukan na sa ensayo si Eala para sa kanyang unang pagsalang sa singles.

Nakatakdang makaharap ni Eala si Mary Stoiana ng Amerika sa Martes (Miyerkules sa Maynila) sa opening round.

Lalaruin ito sa Louis Armstrong Stadium na may 14,000-seating capa­city dahil inaasahang dudumugin ito ng Pinoy fans.

Hawak ni Eala ang No. 17 seed sa torneo.

Talagang sikat na si Eala dahil ilang publications sa Amerika ang kaliwa’t kanang naglalabas ng mga feature stories ng Pinay netter.

Kabilang na rito ang mga sinulat nina Jon Wertheim ng Sports Illustrated at Aishwarya Kumar ng ESPN. 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with