2 estudyante sinaksak sa loob ng iskul!

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ang kapwa nilalapatan ng lunas sa ospital matapos saksakin ng kapwa mag-aaral sa magkahiwalay na eskwelahan sa Davao City at San Pablo City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sa Isang 11-anyos na Grade 5 student na lalaking estudyante ang nasugatan makaraang saksakin ng kapwa nito estudyante sa loob ng isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Brgy. 76-A, Davao City nitong Miyerkules.
Sa inisyal na report ng Davao City Police, ang biktima ay mabilis na isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang 11-anyos na Grade 5 student matapos na magtamo ng saksak sa likurang bahagi ng katawan mula sa estudyanteng 13-anyos na dumaranas umano ng depresyon dahil sa problema sa pamilya.
Ang menor-de-edad na suspek ay gumagamit din umano ng online application at nanonood ng mararahas na video na iniuugnay sa mga pangalang “Brenton Tarrant” at “Arda Kuyemti”.
Sa pahayag ni P/Lt. Col. Maria Teresita Gaspan, spokesperson ng Davao City Police, pawang Grade 5 student ang biktima at suspect, pero hindi naman magkaklase sa naturang paaralan.
Samantala sa San Pablo City, nagpapagaling din sa ospital ang 12-anyos na Grade 7 student matapos masugatan sa leeg sa pananaksak ng kaniyang kaklase habang naka-school break bago mag-alas 12 ng tanghali nitong Lunes sa San Pablo City.
Bago ang insidente, niyaya pa ng suspect na isa ring 12-anyos na Grade 12 student ang biktima sa likuran ng eskuwelahan. Gayunman, bigla na lamang sinaksak sa leeg ng suspect ang biktima gamit ang isang 2-pulgadang kutsilyo.
Ang batang suspect ay mabilis na tumakas pero nahuli rin.
- Latest




















