PANOORIN: Kapatid ni Kim Chiu, arestado
MANILA, Philippines — Arestado ang kapatid ni actress at TV host Kim Chiu na si Lakambini “Lakam” Chiu kaugnay ng kasong qualified theft na isinampa ng aktres.
Ayon sa mga ulat, inaresto si Lakam noong Linggo, September 20, sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City ng mga operatiba ng Quezon City Police District.
Nag-labas ng arrest warrant ang Quezon City Regional Trial Court Branch 84 para sa 124 counts ng qualified theft na may kabuuang halagang P44.396 milyon.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y pagkuha ng corporate funds ng House of Little Bunny Philippines, Inc., kumpanyang pag-aari nina Kim at Lakam.
Itinakda ng korte ang kanyang piyansa sa P5.838 milyon.
- Latest






















