Eala naghahanda na para sa Singapore Open
MANILA, Philippines — Sesentro muna ang atensiyon ni Alex Eala sa Singapore Open na magsisimula sa susunod na linggo sa Kallang, Singapore bago ito tumulak sa Asian Games.
Dumating na sa Singapore si Eala kasama ang kanyang coaches at parents para doon ipagpatuloy ang preparasyon nito para sa Singapore Open.
Si Eala ang No. 3 seed sa torneo sa ilalim nina top seed Mirra Andreeva ng Russia at second seed Amanda Anisimova ng Amerika.
Dahil seeded player, sigurado na si Eala ng opening-round bye kaya’t pasok agad ito sa second round.
Excited na si Eala na maglaro sa Singapore lalo pa’t maraming Pinoy ang sabik nang mapanood ang kanyang laban.
Inaasahang muling dudumugin ang venue ng mga Pinoy fans nito upang suportahan ang kanyang mga laro.
Sa schedule ng torneo, posibleng laruin ito sa Martes.
Hahataw din sa Singapore Open sina world No. 19 Elise Mertens, No. 21 Ekaterina Alexandrova, No. 26 Maja Chwalinska, No. 28 Sara Bejlek at No. 33 Maria Sakkari gayundin sina No. 37 Donna Vekic, No. 38 Barbora Krejcikova, No. 40 Wang Xinyu, No. 41 Oleksandra Oliynykova at No. 51 Janice Tjen.
Salang agad sa ensayo si Eala pagdating sa Singapore.
Sumailalim ito sa ilang sesyon sa gym at ilang hitting session sa court.
- Latest





















