^

Bansa

Matibag kay Pulong: Kasuhan mo misis ko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Hinamon ni NBI Director Melvin Matibag si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na magsampa ng kaso laban kay Laguna Rep. Ann Matibag kung may ebidensya sa alegasyon ng anomalya sa mga proyekto nito.

Reaksiyon ito sa pahayag ni Duterte na may hawak umano siyang videos kaugnay ng mga proyekto sa distrito ni Ann Matibag.

“Kung naniniwala si Congressman Pulong na may ebidensya at hindi lang siya nagre-rely sa vlog ng mga vloggers, magpasok siya ng kaso para maimbestigahan,” ani Matibag.

Giit pa niya, kung walang reklamo ay “ma­rites” lamang ang kampo ni Duterte. Handa rin umano siyang mag-recuse kung sa NBI isasampa ang reklamo upang maiwasan ang conflict of interest.

Iginiit ni Matibag na hindi “selective” ang imbestigasyon ng NBI sa mga ghost at substandard projects.

“Check your facts first. Hindi lang Davao ang iniimbestigahan, marami na ring kaso ang hinahabol ng NBI,” aniya.

Nagulat din si Matibag sa pagtutok ni Duterte sa isyu ng flood control projects sa Davao City, gayong hindi naman ito kabilang sa mga sinubpoena ng NBI.

“Kung may impormasyon siya, puwede niyang dalhin sa opisina at mag-volunteer,” dagdag pa niya.

Nag-ugat ang usapin sa ulat na may nakitang “red flags” sa 47 sa 100 flood control projects sa distrito ni Duterte. Dahil dito, sinubpoena ng NBI ang regional director ng DPWH, si Juby Cordon, para humarap sa imbestigasyon sa Setyembre 24.

MATIBAG

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with