^

Bansa

BFAR vessel, binangga ng China Coast Guard sa Palawan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BFAR vessel, binangga ng China Coast Guard sa Palawan
Ayon kay PCG Spokesperson to the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, naganap ang insidente dakong 11:04 AM, sa layong 54 nautical miles mula sa coast ng Palawan, sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Binangga ng barko ng China Coast Guard (CCG) ang isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang namamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda sa Pa­lawan kahapon ng umaga.

Ayon kay PCG Spokesperson to the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, naganap ang insidente dakong 11:04 AM, sa layong 54 nautical miles mula sa coast ng Palawan, sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Unang nag-cut ang barko ng CCG sa BFAR vessel sa distansiyang 10 metro. Makalipas ang wala pang 10 minuto, muling nagsagawa ng delikadong maniobra ang CCG at bumangga sa BRP Datu Magat Salamat. Pagkaraan ng kolisyon, nagpatuloy pa ang agresibong aksyon ng CCG sa mas malapit na distansiyang limang metro.

Dahil sa insidente, nasira ang railings ng BFAR vessel at nalagay sa panganib ang buhay ng mga tripulante.

Kaagad na inatasan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga surface at air assets ng PCG na asistihan ang barko ng BFAR at tiyakin ang kaligtasan ng mga tripulante.

“Let us be clear about what this vessel was doing: it was bringing fuel to Filipino fishermen so they can keep fishing in our own waters and keep food on Filipino tables. The China Coast Guard deliberately rammed a civilian government ­vessel on a humanitarian and livelihood mission, endangering the lives of its Filipino crew,” mariing pagkondena ng PCG.

Dagdag pa ng PCG, ang ginawa ng CCG ay tahasang paglabag sa 1972 COLREGs, 2016 Arbitral Award, at UNCLOS.

“No amount of ramming or dangerous maneuvering will change the fact that these waters belong to the Filipino people.”

Samantala, tinawag ni Tarriela na “pure evil” ang ginawang pag-atake ng CCG.

“To call this unprofessional or bullying would be an understatement. What we are seeing here is PURE EVIL!”

CCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with