^

Probinsiya

3 obrero timbog sa P40.8 milyong shabu

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
3 obrero timbog sa P40.8 milyong shabu
Kinilala ni Atty. Joseph Frederick Calulut, tagapagsalita ng PDEA, ang mga drug suspects sa mga alyas na “Diogen”, 32; “Muhammad”, 31, at “Eddienel”, 43; pawang tubong Min­danao at naninirahan sa shanty area ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal. Ang isa pang suspek na si alyas “Abdila” ay tinutugis matapos na matakasan ang PDEA sa operasyon.
STAR / File

PDEA buy-bust ops sa Rizal

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Arestado ang tatlong construction worker na hinihinalang drug traffickers makaraang makumpiskahan ng P40.8-milyong halaga ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Atty. Joseph Frederick Calulut, tagapagsalita ng PDEA, ang mga drug suspects sa mga alyas na “Diogen”, 32; “Muhammad”, 31, at “Eddienel”, 43; pawang tubong Min­danao at naninirahan sa shanty area ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal. Ang isa pang suspek na si alyas “Abdila” ay tinutugis matapos na matakasan ang PDEA sa operasyon.

Mahigit 6-kilong shabu na nakalagay sa loob ng mga dilaw na kahon ng biskuwit na may markang M.Y. Sun ang nakumpiska ng PGEA sa loob ng barung-barong. 

Narekober din ang iba’t ibang baril at bala, at non-drug evidence kabilang ang M1 carbine rifle; M16 rifle; apat na cal. 45 pistol; 2-magazine ng kalibre .30 na walang laman; isang walang laman na .45 caliber magazine; isang digital weighing scale; isang Smartphone; at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Isang PDEA agent ang nagsilbing poseur buyer para sa 500 gramo ng shabu sa bentahan sa shanty area sa hinihinalang hideout house ng mga suspek sa Sitio Dulong Bangiad, Brgy. San Juan, alas-5:30 ng umaga.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with