Young Actor, ‘di takot mademanda ng ineendorsong smartphone!
MANILA, Philippines — Ay totoo pala ang blind item tungkol sa isang young actor na hindi ginagamit ang brand na kanyang ini-endorse na smart phone.
Kahapon ay nakita namin ang actor at ivinideo siya ng isang kasama namin.
Nang makita ng kanyang alalay/personal assistant (PA) na may nag-video sa kanya na hawak ang hindi niya ini-endorse na phone, binulungan ang kasama naming nag-video na ‘wag isama sa posting ang phone na hawak ng young actor.
Hahaha.
Well, bakit kaya hindi sabihan ng kanyang PA na ang gamitin ng actor sa labas ay ang brand na kanyang ini-endorse?
Noon ‘pag ganyan ang endorser, idinedemanda ng brand.
- Latest






















