Operator ng PUJ na nag-counterflow ipinatawag ng LTFRB
MANILA, Philippines — Inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng isang pampasaherong jeep na viral sa ginawang pag-counter flow sa Quirino Highway Quezon City.
Ipinagpapaliwanag ng LTFRB ang operator ng jeep kung bakit hindi maaaring mabawi ang franchise ng sasakyan dahil sa nagawang kasalanan.
Ilan sa ginawang paglabag ng operator ng jeep ang kabiguang bigyan ng ligtas na paglalakbay ang pasahero nito na ilan sa mga rekisitos para sa issuance ng Certificate of Public Convenience at pagkuha ng reckless driver.
Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa kaso sa September 3 para dumalo ang operator ng sasakyan.
Sapul sa CCTV noong Hunyo na nagpapakitang ang pampasaherong jeep ay nag-counterflow sa Quirino Highway sa Quezon City na nagdulot ng takot at panganib sa panig ng mga pasahero nito at nakaapekto sa iba pang mga sasakyan sa lugar.
- Latest
























