^

Pang Movies

Share ni Gabby Lopez, naibenta na kay Ramon Ang!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Share ni Gabby Lopez, naibenta na kay Ramon Ang!
Gabby Lopez at Ramon Ang

Nabili na ng negosyanteng si Ramon S. Ang ang 25.7 % stake sa Lopez Inc. mula sa sangay ng pamilya ni Eugenio “Gabby” Lopez III. Kasabay raw nito ang pagwawakas nang matinding awayan ng pamilya.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Mr. Lopez III na ang Crème Investment Corp., ang holding company kung saan ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng 25.7 percent stake sa Lopez, Inc., ang holding company ng Lopez Group, ay nakumpleto na ang pagbebenta sa business tycoon.

Ayon sa lumabas na story sa ABS-CBN.com, sinabi Mr. Lopez na : “The first is my family. This dispute has not been good for any of us, or for the people who work in our companies. This allows us to take a step towards the restoration of family peace.

“The second is that it allows me to channel our family’s resources into businesses aligned with our personal mission. We will announce more on this in due time. Our families have known Ramon a long time. I am confident he will be a good partner to Lopez, Inc,” ayon sa lumabas na article.

Sinabi naman ni Mr. Ang na : “I have known the Lopez family for decades. Not one branch of it, but all of them. I am a friend to each, and I intend to stay that way. I came in because I believe in these businesses, and because a steady partner at the table can be good for everyone around it. The family branches that continue to hold the controlling majority of Lopez, Inc., will continue to lead it. My interest is that the group comes out of this stronger.”

Walang ibang detalyeng lumabas tungkol sa nasabing bilihan ng share.

Heart, lumalaban na!

“Mentally, I’m not out of the woods,” pag-amin Heart Evangelista sa kanyang exclusive interview sa Harper’s Bazaar Singapore .

Pero nagpahabol siya ng : “But I am out of the woods.”

Kasabay nito ang kanyang rebelasyon na nakakahinga at nakakatawa na siya uli.

Ganundin ang kanyang pahayag na naiba ang kanyang pananaw sa nakalipas na taon sa pagtitiwala.

Natutunan daw niya, aniya, na magkaiba ang mga opinyon sa online at ang totoong buhay.

Na ang mga troll ay hindi fans, at ang sabay-sabay na pambabatikos ay hindi katumbas ng buong pagkatao o tunay na pagkatao ng sinuman.

Hindi korte ang comment section, bagaman madalas aniya itong nagiging basehan na parang humuhusga na, pero walang kalakip na emotional intelligence.

Paglilinaw pa ni Heart : “Ang mahalaga ay ang iyong napatunayan at reputasyon sa mga taong katrabaho mo,” sabi niya sa English.

Dagdag pa niya : “Kung paano mo naisasalin iyon sa iyong trabaho.”

At ang independence aniya para sa kanya sa kasalukuyan ay isang pang-araw-araw na gawain. “Na kaya kong tumayo nang mag-isa,” sabi niya. “Na hindi ko kailangan ng pagsang-ayon ng sinuman.”

At sa kabila raw nang kanyang mga pinagdaanan nanatili ang tinatawag niyang pusong parang sa bata. Dahil aniya  ito sa kanyang pananampalataya—sa paniniwalang ang kawalang-malay ay hindi nangangahulugan ng pagiging stupid, at ang pagiging malambot ang puso ay maaaring umiral nang hindi sumusuko. “Ayokong maging mapanghusga o walang tiwala sa kapwa,” sabi pa niya. “Sa tingin ko naman, hindi ako magiging ganoon.”

Maaaring mas maingat na raw siya ngayon, pero hindi nangangahulugan na lumiit ang kanyang pagkatao. Sa katunayan, tila mas determinado siyang okupahan ang espasyong para sa kanya talaga lalo na sa mundo ng international fashion.

Hindi na aniya siya mistulang estatwa na laging ayus na ayos, kundi isang boses at babaeng kumikilos—hawak nang buo ang kanyang sarili at pagkatao.

At ok na ok daw siya sa “a circle of two over 200.”

Bongga ang nasabing pictorial ni Heart sa Harper’s Bazaar Singapore kaya parang lately, nagsawa na rin ang kanyang bashers.

GABBY LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with