Marian, matamis ang pa-birthday sa asawa!

Ang sweety birthday greetings ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes na nag-celebrate ng kanyang 46th birthday noong August 2.
“Happy Birtday, Dada! Thank you for being the most loving husband and the most amazing father to our family. Watching you love, guide, and protect our children is one of the greatest blessings of my life.
“I pray that God continues to bless you with good health, happiness, wisdom, and strength. May all the dreams in your heart come true, and may you always feel how deeply you are loved—not just today, but every single day.
“We are so grateful for you. Thank you for being our safe place.
“ We love you beyond words.
“Happy Birthday, Dada! Here’s to more beautiful memories together.”
Samantala, looking forward na ang DongYan fans sa November 13, 2026 showing ng bago nilang pelikula na Remember.
Dani, hindi pa rin ok sa amang si Kier
Tanong ng mga netizens, hindi pa raw ba okay sina sina Dani Barretto at ang ama niyang si Kier Legaspi? Wala kasi si Kier sa family gathering ng mga Legaspi at siya lang ang wala. Present sina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, at mga anak na sina Mavy, at Cassy Legaspi. Kasama rin sa okasyon ang isa pang kapatid nina Zoren na si Brandon Legaspi at ang pamilya nito at ang mom nina Zoren o lola ni Dani.
Pareho raw pala ng sitwasyon sina Kier at Dennis Padilla na hindi rin okay ang relasyon sa mga anak nila ni Marjorie Barretto. Ang kaibahan lang, maayos ang relasyon ni Dani sa mga Legaspi, maliban sa ama.
Musical ni Ogie, selyado na sa Viva
May update si Ogie Alcasid sa Nandito Ako the Musical na ipo-produced ng Viva Entertainment. Nasundan ang meeting nina Ogie at Mr. Vic del Rosario at Baby Gil and this time sa office mismo ng Viva Entertainment.
“Nandito Ako the Musical is a go!!! TY Boss Vic for the meeting and sealing the deal for our partnership.”
Wala pang binanggit na date kung kailan gagawin ang musical na compositions ni Ogie ang gagamitin.
Sana raw kasama rin sa cast si Regine Velasquez at ang anak nilang si Nate Alcasid na kumakanta rin at naggigitara.
- Latest






















