^

Bansa

P500 milyong inilaan para sa stable na suplay ng kuryente sa Albay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan si Ako Bicol Partylist Rep Zaldy Co ng P500 milyong pondo upang makatulong na maging stable at higit na reliable ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Albay.

“Our vision is to empower Albay by providing stable and efficient electricity supply. By improving our power infrastructure, hindi lang natin binibigyang solusyon ang issue ng brownout sa ating lalawigan. Bukod dito, nilalatag din natin ang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating ekonomiya,” sabi ni Rep Co.

Anya ang pondo ay may malaking tulong na makaengganyo ng bagong mga negosyo at dagdag na trabaho sa mas maraming mamamayan ng lalawigan.

Anya, ang P300 million ay para sa National Electrification Administration habang ang P200 million ay sa completion ng rehabilitasyon ng power lines, pagpapalit ng mga lumang reclosers at pag-upgrade ng mga transformers.

Magkakaroon din anya ng dalawang bagong power substations upang mapaigting ang kapasidad ng Albay Electric Cooperative’s grid at mapahusay ang pangangasiwa at distribusyon ng kuryente sa lalawigan at tuloy maibsan ang pagkakaroon ng overloads at mapaigting pa ang overall reliability ng mga transmission grid.

vuukle comment

NEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with