^

Bansa

Mga magulang ni Mayor Guo, walang rekord sa PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala umanong rekord sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga magulang ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kinukuwestyon ang citizenship dahil sa mga inconsistencies ng kanyang government records.

“So ang ibig sabihin nito ay maaaring hindi totoo na merong Amelia Leal or Angelito Guo. Maaari rin na hindi lang nakapagparehistro,” sabi ni PSA director for Legal Services Eliezer Ambatali.

Gayunman, may karapatan naman anya si Guo na magsampa ng petisyon para maitama ang hindi maayos na record ng kanyang birth certificate.

Nilinaw naman nito na ang sinuman ay maaring magsampa ng kaso laban sa sinumang tao kung ang estado ay may interes sa identity ng bawat isang mamamayan.

Kung kakanselahin anya ng korte ang birth certificate ni Guo ay magkakaroon ito ng “floating status”.

Sinabi rin ni Ambatali na marami pa ring Pilipino ang patuloy na kulang sa birth records sa PSA. May 3 milyong Pinoy na kabilang sa vulnerable groups ang hindi pa nakarehistro sa PSA.

Mayroon ding 17 local civil registries ang patuloy na iniimbestigahan dahil sa hindi pangkaraniwang pagdami ng bilang ng mga delayed birth registrations.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with