^

Bansa

Escudero at Romualdez usap muna bago Cha-cha

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Escudero at Romualdez usap muna bago Cha-cha
Chiz Escudero on May 20, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Makikipag-usap muna ang bagong liderato ng Senado kay House Speaker Martin Romualdez para ayusin ang ugnayan at relasyon ng mga senador at kongresista.

Sinabi ni Senate President Chiz Escudero, bago pag-usapan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang mga kontrobersyal na panukala tulad ng charter change o chacha, ay uunahin muna nilang plantsahin ang relasyon ng Senado at Kamara.

Ito ay para maging maayos na at wala ng palitan ng maanghang na salita at batuhan ng mga akusasyon.

Giit pa ni Escudero, maglalatag ng mga protocols para sa pagkakaroon ng maayos na koordinasyon kaugnay sa mga isinusulong na panukala para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at miscommunication.

Anya pa, hindi man minsan nagkakasundo ang mga senador at kongresista sa ilang bagay subalit hindi ito dapat maging rason para magbatuhan ng dumi at magsabihan ng kung ano-anong masasakit na salita sa harap ng publiko.

Sa kabila nito nagpadala naman anya ng congratulatory message kay Escudero si Romualdez.

Wala pang itinatakdang araw kung kailan mag- uusap sina Escudero at Romualdez.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with