^

Bansa

Chinese studes nagbabayad ng P1.2 milyon kapalit ng diploma

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabayad umano ng P1.2 milyong tuition bawat isa ang mga Chinese student sa Cagayan para magka-diploma sa mga unibersidad sa lalawigan.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, nagpahayag ng pagkabahala si House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa seguridad ng bansa lalo na at una nang sumingaw na posibleng mga espiya ang nasabing mga Chinese nationals na mayorya ay mga estudyante.

Dahil dito, hinikayat ni Tulfo ang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso na magsagawa ng malalimang pagbusisi sa mga financial transactions ng mga educational institutions partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Ang imbestigasyon ng panel ay sanhi ng kaduda-dudang pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan malapit sa mga EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ibinunyag ni Cagayan 3rd Dist. Rep. Joseph Lara, na siyang nag-sponsor ng congressional inquiry na inamin mismo sa kanya ng pamunuan ng St. Paul University sa Tuguegarao na ang kada Chinese student ay nagbabayad ng P1.2 million para makapag-aral sa kanilang eskwelahan.

Ikinagulat ito ni Tulfo kasabay ng matinding pagkabahala sa seguridad ng bansa.

Samantala dumagsa rin umano ang mga Chinese students sa St .Louis University sa Tuguegarao. Ibinunyag naman ni Rep. Tulfo na nakatanggap din siya ng ulat na maging sa Enrile at Sta. Ana, Cagayan ay dinadagsa na rin ng mga Chinese students.

vuukle comment

CAGAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with