^

Bansa

Luzon grid isinailalim na sa red alert - NGCP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa pagpalya ng kuryente sa Luzon. 

Dahil dito kaya pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng pagpalya ng power generation plants. 

Inamin naman ng DOE na wala silang nakikitang problema sa transmission lines dahil natapos na ng NGCP ang malaking proyekto nito, tulad ng Cebu-Negros Panay 230kilovolt backbone, Mindanao-Visayas interconnection project at Hermosa San Jose line.

Sa inisyal na paliwanag ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, biglaan ang pagpalya ng Pagbilao units 1 at 2 at pinalamig pa ang system kaya hindi pa ito mapasok ng mga maintenance crew para mainspeksyon.

Bagamat hindi pa anya matukoy ang pangunahing dahilan ng pagpalya, posible na dulot ito ng tagas sa boiler tube.

Ayon kay Marasigan, ang ganitong mga pangyayari sa mga power generation plant ay maituturing na outside management control o wala sa control ng power plant operator ang sitwasyon.

Tiniyak naman niya na nagpapatupad sila ng regular monitoring sa sitwasyon o halos 30 minutong pagbabantay, bagamat hindi pa masabi ni Marasigan kung ano ang magiging sitwasyon naman ng grid sa susunod na mga araw depende kasi ito sa magiging kondisyon ng planta.

Ipinaliwanag din ni Marasigan na ang sinasabing pagpalya ng 19 power generation plants ay hindi sabay-sabay kundi sa magkakaibang panahon ito nangyari dahil sa ibat ibang dahilan at kabilang dito ang panahon ng tag-init kaya nagbawas ng kapasidad ang ibang planta.

Habang hydro power plants ang ibang generation plants kaya nakadepende ito sa tubig at dahil bumaba ang lebel ng tubig kaya hindi kinayang makapag-fully operate.

vuukle comment

NGCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with