^

Bansa

Tourist vehicle malaking tulong sa turismo – DOTr

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang tulong ng mga tourist vehicle sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

Sa ginanap na oathtaking ng mga bagong opisyal ng Tourist Vehicle and Travel Association Inc. sa Quezon City, sinabi ni Secretary Bautista ang ambag na tulong ng tourist vehicle industry sa mobility at tamang infrastracture para marating ng mga turista na ligtas at komportable sa kanilang destinasyon.

Binigyang diin ni Bautista na ang maging ope­rator ng sasakyan tulad ng tourist vehicle ay hindi madali at kumplikado kayat nagpapasalamat siya sa pagbuo ng naturang samahan para makatulong sa pamahalaan na mapasigla ang turismo sa bansa at makalikha ng dagdag na trabaho sa mamamayan.

Ayon pa kay Secretary Bautista, bukas ang kanyang tanggapan sa mga transport association tulad ng Tourist vehicles para masolusyunan ang problema ng sektor.

Sinabi naman ni Gabriel Asiatico, presidente ng Tourist Vehicle Transport Assn. of the Philippines na patuloy na magiging kaagapay ang kanilang samahan sa pagpapaunlad ng turismo at paglikha ng dagdag na trabaho alinsunod na rin sa adhikain ng Bagong Pilipinas Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hinikayat din nito si Bautista na tulungan ang transport sector na walisin ang kotong at colorum vehicles sa mga lansangan dahil ito ang pangunahing nagpapabagsak ng kanilang kabuhayan.

vuukle comment

JAIME BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with