^

Bansa

Nag-iisang mananaya wagi ng P15.8 milyong jackpot sa lotto

James Relativo - Philstar.com
Nag-iisang mananaya wagi ng P15.8 milyong jackpot sa lotto
Individuals bought lotto tickets at a lotto outlet in Quezon City on Sunday (September 2, 2022).
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Solong tinamaan ng isang manlalaro ang P15.8 milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Miyerkules lang kasi nang ibola ng naturang government-owned and controlled corporation ang sumusunod na winning combinations:  06-15-37-11-35-33.

Wala pa namang impormasyon na ibinibigay ang PCSO kung saan nabili ang winning ticket kahapon.

Bagama't aabot sa P15,808,068.20 ang jackpot prize, hindi ito buong-buong makikita ng lucky winner dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Saklaw kasi ng 20% final tax ang mga lotto winnings na higit sa P10,000.

Kinakailangang makuha ang naturang papremyo isang taon matapos ibola bago ma-forfeit at mailipat sa charity fund ng PCSO.

Inanak ang panibagong multi-millionaire na ito matapos ang nangyaring "glitch" kamakailan sa isang lotto draw, dahilan para magduda ang maraming manlalaro at netizens sa kredibilidad nito. 

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas matapos aminin ni PCSO general manager Mel Robles na ine-edit nila ang itsura ng mga nanalo sa kanilang mga palaro "sa ngalan ng seguridad," bagay na umani rin ng batikos.

vuukle comment

LOTTERY

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with