^

Bansa

CSC sa government agencies: Mental health isulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month, pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensya ng gobyerno hinggil sa kahalagahan na isulong ang mental health ng aabot sa 1.9 milyong manggagawa sa buong bansa.

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles, dapat kilalanin ng mga pinuno at opisyal ng ahensya na ang kalidad ng serbisyo publiko na ihahatid sa mga stakeholder ay nakasalalay sa pisikal at mental na kalusugan ng mga manggagawa sa gobyerno.

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 1901265, ­inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na magtatag at magpatupad ng Mental Health Program (MHP) na isama sa kani-kanilang mga polisiya at programa sa pagpapaunlad at pamamahala ng HR upang magbigay ng inklusibo, kaaya-aya, at suportang kapaligiran sa trabaho para sa publiko, mga opisyal at empleyado.

Kaugnay nito, hinimok ni Nograles ang mga ahensya na higit pang isulong ang kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga team building activities, mga sports festival, support groups, at maging ang mga virtual na kaganapan tulad ng kamakailang natapos na online Zumba at pagpapalabas ng pelikula na ginanap sa ika-123 na PCSA.

vuukle comment

CSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with