^

Bansa

Philippine government officials binigyan ng visa exemptions ng Japan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Prime Minister Fumio Kishida na bibigyan ng visa exemptions ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas sa pagpasok sa Japan.

Ginawa ang anunsiyo sa isang Summit-level Working Dinner kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ng gabi, ayon sa joint statement ng Japan at ng Pilipinas na inilabas ng Embassy of Japan.

Inihayag umano ni Kishida na ang exemption ay para lamang sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Base sa statement, tinanggap ni Marcos ang anunsyo ng Japan at ipinahayag ang kanyang pag-asa na magkakaroon ng momentum  upang higit pang mapadali ang “people-to-people exchanges”  ssa pagitan ng dalawang bansa.

Nakatakda namang bumalik sa Pilipinas si Marcos ngayong Linggo, Pebrero 12.

Nauna nang inihayag ng Malacañang na bilyun-bilyong halaga ng pangakong investments ang iuuwi ni Marcos sa bansa.

vuukle comment

FUMIO KISHIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with