^

Bansa

16 senador ‘di tutol sa economic Cha-cha

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Biyernes na nasa 15 o 16 senador ang “hindi tutol” sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.

Layunin din ng ­resolusyon na bigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na i-regulate ang foreign investments sa public utilities, higher education at advertising.

Aminado si Zubiri na kailangan pa ng 2-3 boto para matuloy ang pag-amyenda sa Konstitusyon na dadaanin pa rin sa isang plebisito.

Isinagawa kahapon ang 3 regional consultations sa Baguio City para sa Senate Subcommittee on RBH6.

Sinabi ni Zubiri na kailangan talaga niyang kausapin yung mga natatakot sa mga probisyon na dapat magkaroon nang pagbabago.

Aminado rin si Zubiri na hindi popular sa mga mamamayan ang charter change.

“We need 18 votes. Right now, sa tingin ko kulang pa kami ng 2. So kailangan talaga kausapin natin yung mga medyo natatakot dito sa mga probisyon na ito. At di lamang yun pag-nahurdle natin ito,” ani Zubiri.

Magpapatuloy ang mga konsultasyon sa Cebu at Cagayan de Oro sa susunod na linggo, pagkatapos ay magsusumite ang panel ng committee report para sa pagsasaalang-alang ng buong miyembro ng Senado.

vuukle comment

JUAN MIGUEL ZUBIRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with