^

Bansa

Pag-ahon sa kahirapan ng mahihirap, prayoridad ng Kongreso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Ako Bicol at House of Appropriation Chairman, Congressman Elizaldy Co na prayoridad ng 19th Congress sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez na maiahon sa kahirapan ng buhay ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Ayon kay Co, pagbukas pa lang ng 19th Congress noong July, sinabi na sa kanya ni Speaker Romualdez na tutukan ang pag-ahon ng mga mahihirap na kababayan dahil iyon din ang gusto ng Marcos administration.

“For this reason, ilang bilyon ang ipinalaan ni Speaker Romualdez sa 2023 national budget para sa social services ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Health (DOH), ayon kay Cong. Co.

Bagamat walang ibi­nigay na halaga si Co kung magkano ang pondo ang inilaan nila sa DSWD para sa Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS), Tulong Pang­hanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ng DOLE, at Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) ng DOH, bilyon-bilyong piso raw ito at sapat para makatulong sa mga mahihirap na kababayan.

Paliwanag ng chairman ng House Appropriations Committee, galing sa pandemic ang bansa kaya batid nila ang pinagdaanang hirap ng mga kababayan.

“Kung walang trabaho, nariyan ang TUPAD ng DOLE.  Kung kailangan ng makakain o gamot o pamasahe ng tao, pwede silang lumapit sa DSWD”, ayon sa mambabatas.

Dagdag pa ni Cong. Co, “wala na rin silang poproblemahin sa paospital dahil pwede silang humingi ng pambayad sa DOH, sa pamamagitan ng MAIP”.

vuukle comment

ELIZALDY CO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with