^

Bansa

KMU ikinatuwa pagbaliktad sa 'guilty' verdict vs union leader, pinananagot arresting officers

James Relativo - Philstar.com
KMU ikinatuwa pagbaliktad sa 'guilty' verdict vs union leader, pinananagot arresting officers
Litrato ng pinawalang-salang lider unyonista na si Maoj Maga at asawa niyang si Lengua de Guzman
Mula sa Facebook page ni Lengua de Guzman

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyon ng Court of Appeals na iabswelto sa kasong "illegal possession of firearms and ammunitions" ang kanilang labor leader na si Maoj Maga — ito matapos makulong ng apat na taon.

Taong 2019 nang hatulang "guilty" ng San Mateo, Rizal Regional Trial Court Branch 76 ang nabanggit dahil sa paglabag diumano ng Section 28(e) of Republic Act 10591. Nangyari ito matapos niyang maaresto noong Pebrero 2018 pa habang nanunuod ng basketball game.

"Kilusang Mayo Uno welcomes the decision of the Court of Appeals to acquit labor organizer Maoj Maga from the charges of illegal possession of firearms and ammunitions," wika ng grupo sa isang pahayag, Lunes.

"The CA found that the police conducted unreasonable search, thus the evidence being presented is inadmissible. The CA reversed the decision of the San Mateo Rizal RTC, including a sentence of 8-14 years of jail time."

Sabado lang nang ibalita na pinawalang-sala ng CA 10th Division si Maga matapos mapag-alamang nagsagawa ng "unlawful search" ang kapulisan sa kagamitan ng lider manggagawa noong 2018.

Sa desisyong pinirmahan ni Associate Justice Jaime Fortunato Caringal, sinabing bigong mapatunayan ng prosekusyon na guilty beyond reasonable doubt si Maga dahilan para "ibaliktad at isantabi" ang desisyon ng trial court.

Ngayong acquitted na siya sa kaso, inuutusan ngayon ng CA ang director general ng Bureau of Corrections at superintendent ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa na agad palayain si Maga sa pagkakakulong maliban kung hawak siya sa iba pang dahilan.

"This is a victory for all the victims of state persecution and weaponization of the law against human rights defenders," dagdag pa ng KMU.

"This CA decision should serve as a signal to review all the cases against other trade unionists and human rights defenders who are victims of illegal arrests and are facing trumped up criminal charges."

Umabot sa kulungan si Maoj ng apat na taon at pitong buwan sa kulungan. Dahil diyan, umaapela ang KMU na agad maipatupad ang utos ng CA na mapakawalan ang aktibista.

Kaugnay nito, iginigiit din nilang dapat nang maibasura ang "gawa-gawang" murder case laban kay Maoj sa Agusan. 

"Moreover, the state agents involved in his illegal arrest and detention should be held accountable for criminal liabilities," sabi pa ng KMU.

"We vow to intensify our call to free all political prisoners. We urge everyone to resist the weaponization of the law meant to silence critics and opposition."

'Inisyal na panalo'

Positibong tinanggap ni Lengua de Guzman, misis ni Maga, ang desisyon ng CA. Sa kabila nito, hindi pa raw sila makapagbunyi nang husto lalo na't nasa likod pa rin ng rehas ang kanyang asawa.

"I was crying while walking under the trees of UP.  They were not tears of joy.  What we have been through all these years came back to me. There is relief, yes, but at the same time, there is the reality that Maoj is not yet a free man," sabi niya.

"Maoj and I warmly welcome the Court of Appeals decision granting our Appeal. It is an initial victory—one that is bitter sweet.  It is a battle hard fought, but the fight is not yet over."

Ibinahagi rin niya ang mismong mensahe ni Maoj kung saan idinetalye ng nakakulong na militante ang pagihirap ng kanilang pamilya dahil sa mga trumped up charges at "tanim-ebidensya" sa mga unyonista't aktibistang gaya niya.

Hindi lang daw pisikal at mental ang pasakit na kanilang dinanas, ngunit mas matindi pa lalo na't walong taon lang ang anak niyang si Liboy noong siya'y maaresto.

"Umiyak siya nang malaman ang desisyon at sinabing 'unfair nung Judge!' Dinala niya ang bigat na ito sa murang edad. Nararanasan niya ang inhustisya sinapit ng aming pamilya, pero bagamat bata, nagpatuloy siyang lumaban para malampasan ang ganitong kahirapan," wika ng lider-manggagawa.

"Bagamat tagumpay ito para sa atin, hindi pa natatapos ang ating laban, dahil kasalukuyang ko pa ring kinakaharap ang gawa-gawang kasong ‘murder’ na isinampa laban sa akin ng mga militar at estado sa Cabadbaran, Agusan del Sur, bagay na humahadlang sa aking paglaya."

Nagpapasalamat naman si Maga sa kanyang mga abogado, kamag-anak, kasama at mga kaibigang tumulong at patuloy na tumutulong sa kanilang pamilya sa ngayon.

vuukle comment

ACTIVISM

COURT OF APPEALS

KILUSANG MAYO UNO

LABOR RIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with