^

Bansa

Free bus rides, palalawakin pa ng OVP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Free bus rides, palalawakin pa ng OVP
In this July 6, 2020, photo, frontliners in Cebu City are seen riding the pilot run of the Office of the Vice President's free shuttle service.
Office of the Vice President / Released

MANILA, Philippines — Palalawakin pa ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang Libreng Sakay Program na inilunsad kamakalawa.

Ayon kay OVP spokesperson Reynold Munsa­yac, plano nilang magdag­dag pa ng mga bus at magbukas ng maraming ruta para sa naturang programa na nag-aalok ng libreng sakay sa publiko.

Sa ngayon aniya ay naghahanap na sila ng partners mula sa pribadong sektor para mapalawak ang programa at mas marami pa silang matulungan.

Isa aniya sa mga target nila na mabigyan ng libreng sakay ay ang ruta mula sa Commonwealth hanggang Fairview sa Quezon City hanggang Quiapo sa Maynila.

“Marami kaming natanggap na reports na maraming mga pasahero diyan,” aniya.

Inilunsad nitong Miyerkules ng OVP, sa pa­ngunguna mismo ni Vice President Sara Duterte, ang kanilang Libreng Sakay program, na may inisyal na limang bus lamang.

Dalawa sa mga ito ang bibiyahe sa EDSA Carousel sa Metro Manila habang ang tatlo pa ay ide-deploy naman sa Cebu City, Davao City, at Bacolod City.

Bibiyahe ang mga bus ng Lunes hanggang Sabado, mula 4am-10am at 4pm-10pm.

Maaari ring mag-accommodate ang libreng sakay ng mga estudyanteng dadalo sa in-person classes na magsisimula na sa Nobyembre 2.

vuukle comment

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with