^

Bansa

Wala pang FDA-approved ‘monkeypox’ vaccine – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang magagamit na bakuna sa bansa laban sa monkeypox na binibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Gayunman, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Sabado na tinatalakay na ng DOH sa World Health Organization (WHO) kung saan makakabili ang bansa ng monkeypox antivirals, sakaling magkaroon ng outbreak nito sa bansa.

Sa kasalukuyan aniya, ay inihahanda na ng DOH ang supply chains at logistics services.

Inatasan na ni Duque ang Pharmaceutical Division ng DOH na makipagtulungan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at FDA upang maghanap ng posibleng available sources ng monkeypox vaccines.

Binanggit din niya ang posibilidad na gumamit ng Imvamune o Imvanex vaccine, na lisensiyado sa Estados Unidos laban sa monkeypox o smallpox.

Sinabi rin ng kalihim na ang mga smallpox vaccines ay maaaring magbigay ng proteksiyon laban sa monkeypox dahil sa “cross-protection.”

Una nang sinabi ng DOH na hindi pa kailangang magsara ng borders ng bansa dahil sa monkeypox.

Marami aniyang paraan para maiwasang makapasok sa bansa ang monkeypox, kabilang dito ang istriktong border control at symptoms screening, at pagtalima sa minimum public health standards.

vuukle comment

FDA

MONKEYFOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with