^

Bansa

DOJ: Ukranians na lumilikas sa Russian invasion welcome sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
DOJ: Ukranians na lumilikas sa Russian invasion welcome sa Pilipinas
People arrive on a train from Ukraine’s border at Berlin’s main train station on March 2, 2022.
AFP/Tobias Schwarz

MANILA, Philippines — Maaaring magtungo sa Pilipinas ang mga Ukranian refugees na tumatakas mula sa pag-atake at pananakop ng Russia, paglilinaw ng Department of Justice (DOJ), Huwebes.

Inilabas ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pahayag ilang araw matapos kundenahin ng Maynila ang Moscow sa mga aksyon nito sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang resolution ng United Nations General Assembly.

"Ukranians fleeing from the war in their country are of course welcome in the Philippines for humanitarian reasons," ani Guevarra sa isang pahayag kanina.

"So far, no Ukrainian citizen has sought asylum in the Philippines. But should there be any, his/her application for refugee status will be evaluated in accordance with our laws and the recently signed executive order."

Miyerkules lang nang manawagan ang Malacañang sa Ukraine at Russia na bumalangkas kasunduan upang mapahupa ang tensyon, bago pa dumami ang "hindi kinakailangang pagkawala ng buhay" at maapektuhan ang buong mundo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasaysayan ng pagtanggap sa refugees

Mahaba ang kasaysayan ng Pilipinas pagdating sa pagtanggap ng refugees na siyang lumilikas mula sa gulo mula sa ibang bansa.

Panahon ng 1930s nang pahintulutan ni dating Pangulong Manuel Quezon ang pagpasok ng Jewish refugees sa Pilipinas na tumatakas mula sa persecution ng mga Nazi.

Una nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na lalong titindi ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas, na nasa ikasiyam na sunod na linggong oil price hike na, kung magtutuloy-tuloy ang Ukranian-Russian conflict.

Nananawagan na ngayon ng price ceilings ang ilang grupo gaya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas hinggil sa epekto nito sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay nito, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng fuel discount vouchers at subsidiyo para sa mga mangingisda at mga magsasaka, na apektado na ang hanap buhay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

INVASION

REFUGEE

RUSSIA

UKRAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with