Direktang ayuda at pagsuspinde sa excise tax, giit ng Pasada
MANILA, Philippines — Iginiit ng commuter at transport workers advocate na Pasada sa pamahalaan na suspendihin ang implementasyon ng excise tax sa langis at bigyan ng direktang ayuda ang mga drivers at operators ng mga pampasaherong jeep, bus, taxi, AUVs at online transport system.
Ayon kay Ricky Rivera, founder ng Pasada, napapanahong suspendihin ang excise tax sa langis na isang nagbibigay ng pagbagsak ng public transport sa bansa. Kung wala anyang excise tax ay maaaring walang maganap na sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petroleum products. Ngayong linggong ito ay naipatupad ng mga oil companies ang ika-9 na oil price hike.
Nais din ng Pasada na direktahang maibigay ng pamahalaan sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan ang ayuda para sa mga ito ng gobyerno. Hanggang sa ngayon anya ay may mga driver at operator pa ng mga pampasaherong sasakyan ang hindi nabibigyan ng financial assistance ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinabi ni Halili Riders founding chairman Ian Halili na umiiyak na rin ang kanilang mga miyembro dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng gasolina.
- Latest