^

Bansa

'Sputnik Light,' Sinopharm pwede nang ibigay na COVID-19 booster sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
'Sputnik Light,' Sinopharm pwede nang ibigay na COVID-19 booster sa Pilipinas
A health worker prepares a Sputnik V vaccine against COVID-19 while Charles Chaplin's movies are projected at the Lumiere movie theater, used as vaccination center, in Rosario, Santa Fe province, Argentina, on March 26, 2021.
AFP/Marcelo Manera, File

MANILA, Philippines — Dalawa pang brand ng bakuna laban sa COVID-19 ang binigyan na ng emergency use authority (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) para magamit bilang booster doses, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Taong 2021 pa lang ay nabigyan na kasi ng EUA ang primary doses ng Sinopharm at one-shot COVID-19 vaccine na "Sputnik Light" ng Gamaleya, ngunit ngayong 2022 lang pinayagan ang kanilang brands na mag-provide ng boosters sa bansa.

"Para sa mga indibidwal na Sinopharm ang pangunahing bakunang natanggap, pwede na po kayong kumuha ng inyong booster shots," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa state-run media.

"Nabigyan na po ito ng [EUA] ng [FDA] at guidance from our National Vaccine Operations Center."

  • Sinopharm booster kanino pwede ibigay?: Inirerekomenda ngayon bilang "homologous" booster ang Sinopharm. Hindi pa naman ito iminumungkahi bilang "heterologous" booster para sa mga nakatanggap ng ibang brand noon bilang primary series.

Ika-20 lang ng Enero nang sabihin ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-antay na muna ang mga nakakuha ng Sinopharm bago mabigyan ng booster shots.

"Gayundin, maaari nang iturok ang Sputnik Light bilang booster shot matapos ang primary series doses," patuloy pa ni Vergeire.

  • Sputnik Light booster kanino pwede ibigay?: Hindi pa pinapayagang ibigay ang Sputnik Light booster sa mga nakakuha ng primary series mula sa parehong brand. Gayunpaman, pwede itong iturok sa mga nakakuha ng sumusunod sa first at second dose: AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac

 

 

Bawal sa buntis, nagpapasusong ina

Sa kabila ng pagpayag na ito ng FDA sa paggamit ng Sinopharm at Sputnik Light bilang boosters, bawal pa itong ibigay sa ilang nanay.

"Nais po naming ibigay diin ng DOH na hindi po pwedeng i-booster sa mga buntis at nagpapasusong ina ang Sinopharm at Gamaleya Sputnik," dagdag pa ng DOH official kanina.

"Paalala lang [din] po na ang eligible pa lamang sa ating booster shots ay ang mga 18-years-old at pataas."

Nabanggit ng DOH ang nasa itaas ngayong pinapayagang maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga edad 12 hanggang 17 taong gulang gamit ang Moderna at Pfizer primary series.

Samantala, kasado na para sa ika-4 ng Pebrero ang pagbibigay ng Pfizer COVID-19 vaccines sa mga 5-anyos pataas.

Pagitan ng una, ikalawang dose pinaiksi

Pinaiksi naman na ang pagitan ng una at ikalawang dose ng primary series vaccines sa Pilipinas — depende sa brand na ibinigay sa isang tao.

Dati kasi ay mahaba ang interval bago mabigyan ng second dose ang mga nabigyan ng AstraZeneca bilang unang turok, literal na ilang buwan.

Ngayon, maaari nang ibigay ang second dose ng AstraZeneca kahit na 28 araw pa lang ang nakalilipas.

Aabot na sa 3.49 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling datos ng Kagawaran ng Kalusugan nitong Huwebes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 53,736 katao.

vuukle comment

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

SINOPHARM

SPUTNIK V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with