^

Bansa

'Total travel ban' ekis sa DOH kahit COVID-19 variant ng UK narito na

Philstar.com
'Total travel ban' ekis sa DOH kahit COVID-19 variant ng UK narito na
Naglalakad sa arrivals hall ng London Heathrow Airport Terminal Two sa London, United Kingdom ang ilang biyahero habang nakasuot ng face mask at personal protective equipment sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-9 ng Mayo, 2020
AFP/Justin Tallis

MANILA, Philippines — Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa panawagan ng ilang sektor na magpatupad ng "total travel ban" sa lahat ng mga bansa ngayong meron nang kumpirmadong kaso ng mas nakahahawang variant ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Basahin: UAE nais isama sa 'travel ban' ngayong mas nakakahawang COVID-19 variant nasa bansa na

May kinalaman: Philippines confirms first case of new COVID-19 variant

Huwebes kasi nang buhayin ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co ang panawagang bawalan ang pagpasok ng mga dayuhan at Pilipino sa lahat ng bansa lalo na't galing sa United Arab Emirates (UAE) — isang bansang wala sa 33 teritoryong may travel restrictions — ang 29-anyos na Pinoy na na-diagnose ng United Kingdom variant ng COVID-19.

Ekonomiya, kalusugan, international experience

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, ilan sa mga napag-usapan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay natitiyak ang parehong kalusugan at ekonomiya ng Pilipinas.

"As you all know, we like to balance health with the economy that we have right now. So medyo hindi talaga feasible for us to do that, and ang ating safeguard nga would be the surveillance that we would be doing, and the strict protocols in our ports of entry," ani Vergeire, Biyernes.

"And when you look at the experience of other countries, wala naman pong nagto-total travel ban na talaga because of this variant. Because we know, that these variants, inevitable siya."

Natural na bahagi lang daw kasi ng ebolusyon ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, ang mga mutation ng nasabing variants.

Ang kinatatakutang UK variant ay sinasabing mas nakahahawa kumpara sa normal: hanggang 70%, ayon sa World Health Organization (WHO). Sa kabila niyan, sinasabi rin nila at ng health experts na tatalab pa rin ang mga dine-develop na COVID-19 vaccines laban dito.

Kanina lang nang kumpirmahin ng Malacañang ang pagpapalawig ng travel restrictions sa higit 30 bansa para sa mga dayuhan. Gayunpaman, pwede pa rin umuwi ang mga Pilipino basta't dumaan sa absolute 14-day quarantine at testing.

Inirerekomenda na ngayon ng DOH ang pagsasali ng UAE sa listahan ng may travel restrictions. Sa kabila niyan, gumagamit din daw ng "official references" ang gobyerno bago isara ang isang bansa mula sa Pilipinas. 

"Hindi naman tayo forever na naka-total ban. We need to adapt, we need to just prevent, just stricly comply and strictly implement our protocols," saad pa ni Vergeire.

Hulyo 2020 nang sabihin ng WHO na "dapat magpatupad ng malalimang risk assessment" ang mga bansang nais magluwag at magbalik ng international travels sa gitna ng COVID-19 pandemic, bagay na kumitil sa buhay ng halos 2 milyong katao sa buong mundo.

Argumento ng game sa 'total ban'

Kahapon lang nang sabihin ni Co na matagal na dapat ipinatupad ang tototal travel ban lalo na't dinapuan ng UK variant ang isang Pinoy mula Quezon City matapos pumunta sa bansang wala sa travel ban list.

"Bar everyone from entering the country starting now. We told you so but you refused to listen," ani Co sa isang pahayag.

"The overly-cautious stance of the IATF on imposing travel bans on foreign nationals while allowing Filipinos to return to our country has become untenable and indefensible with the confirmed entry into the country of the more contagious strain of the coronavirus that causes COVID-19."

Kahit na huli na raw, mas maganda raw na gawin ito para lalong mapigilan ang pagdami ng mga may COVID-19 sa Pilipinas na merong mas nakahahawang variants.

Maliban sa UK variant, sinasabing mas nakahahawa rin ang South African variant matapos mapag-alamang mas mataas ang viral load ng mga nadadali nito.

Sa huling ulat ng DOH nitong Huwebes, umabot na sa 494,605 ang tinatamaan ng nasabing sakit. Patay na ang 9,739 sa kanila. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with