^

Bansa

Paghugas, pag-init ng ulam pamatay COVID-19 ba sa pagkain? DOST-FNRI sumagot

Philstar.com
Paghugas, pag-init ng ulam pamatay COVID-19 ba sa pagkain? DOST-FNRI sumagot
Iniinspeksyon ni Trade Undersecretary Ruth Castelo ang mga presyo ng hamon na ito sa isang supermarket sa Cubao, Quezon City, ika-10 ng Nobyembre, 2020, na ilan sa mga pagkaing mabenta sa tuwing papasok ang Kapaskuhan
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kahit na hindi aniya naipapasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa pamamagitan ng pagkonsumo ng pagkain, pinaalalahanan ng Department of Science and Technology-Food and Nurtrition Research Institute (DOST-FNRI) ang tamang paghuhugas at pagluluto ng mga inihahaing putahe — lalo na ngayong Kapaskuhan at holiday season.

Ito ang naibahagi ni Marietta Bumanglag, Senior Science Research Specialist ng DOST-FNRI, Lunes habang tinatalakay ang mga masusustantansyang pagkain ngayong Noche Buena at pandemya.

"Ang sabi nga po, ang COVID-19... ang transmission niyan ay [hindi naman] through food," ani Bumanglag sa media forum ng Department of Health (DOH) kanina.

"Pero ang lagi po nating ipinapaalala, [may] COVID man o wala, lahat po ito [pagkain] kasi [ay] may taglay po silang microorganisms, which can be prevented."

Aniya, ito ang dahilan kung bakit niluluto dapat nang husto ang mga pagkain at isinasailalim sa mga tamang cooking procedures upang maiwasan ang pagkalat ng sari-saring sakit.

Swak 'yan sa una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) nitong nakaraang buwan na walang ebidensyang makapagtuturo na naisasalin ang nakamamatay na SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — sa pamamagitan ng pagkain ngayong banned ang ilang pultry products galing sa bansang Brazil.

Basahin: FDA: You can’t get COVID-19 from food

"Ngayon para po doon sa mga pagkain... kadalasan [ang] ating fruits and vegetables na ginagamit sa mga salad, kailangan lang po talaga ay mahugasannang mabuti," dagdag pa ni Bumanglag.

"At maging maingat din po tayo sa ating sarili, 'yung mga naghahanda ng pagkain, so dapat po i-observe po nila 'yung mga [health] protocol: laging naghuhugas ng kamay, maayos po 'yung mga equipment at mga utensils na ginagamit sa ating pagluluto."

Sa huling ulat ng DOH, Linggo, umabot na sa 459,789 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 8,947 na ang namamatay.

Binabantayan ngayon ng DOH at pamahalaan ang biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa pagtatapos ng Kapaskuhan at Bagong Taon dahil na rin sa pagdalas ng paglabas-labas at pagbisita ng mga tao sa kani-kanilang pamilya sa mga susunod na araw.

Nasasakto ito ngayon sa muling dahan-dahang pag-akyat ng mga kaso kamakailan, na karaniwang nasa 1,000 pataas lang nitong buwan. Nabali ang lagpas kalahating buwang streak na 'yan matapos umabot sa 2,122 ang sariwang infections sa iisang araw lang nitong Biyernes— James Relativo

vuukle comment

CHRISTMAS

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

FOOD

HOLIDAYS

NEW YEAR

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with