^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas pumalo na sa 456,562 nang madagdagan ng 2,122 kaso

Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas pumalo na sa 456,562 nang madagdagan ng 2,122 kaso
Ipinakikita ng nurse na ito ang isang dosage ng Pfizer COVID-19 vaccine bago ito iturok sa isang empleyado sa Pittsburgh VA Medical Center, ika-17 ng Disyembre, 2020
Jeff Swensen/Getty Images North America/Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Paalon-alon pa ring tumatalon ang bilang ng mga nahahawaan ng coronavirus disease sa bansa eksakto isang linggo bago ang araw ng Pasko.

Umabot na kasi sa 456,562 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong infections sa Pilipinas, matapos tablan pa nito ang 2,122 katao, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ngayong Biyernes.

Ito ang unang beses sa loob ng higit kalahating buwan na mas marami sa 2,000 ang sariwang kaso sa isang araw. Huli itong naitala sa 2,076 noong ika-29 ng Nobyembre. 

Nangyayari ito ngayong naghahanda na ang gobyerno sa inaasahang "post-holiday surge" ng COVID-19 cases, lalo na't mas marami ang lumalabas at bumibisita ng mga bahay ngayong holiday season.

Kaugnay niyan, natagpuan ang karamihan sa mga bagong ulat na COVID-19 cases sa mga sumusunod na lugar:

  • Quezon City (160)
  • Rizal (105)
  • Bulacan (91)
  • City of Makati (83)
  • Davao City (79)

Nananatili namang nasa 27,021 ang bilang ng domestic active cases, o 'yung mga patuloy na nagpapagaling pa rin sa COVID-19 magpahanggang sa ngayon.

"Samantala ay mayroon namang naitalang 2,122 [bagong] gumaling at 25 na pumanaw," dagdag pa ng Department of Health.

Sumatutal, 420,666 na ang tuluyang gumaling mula sa pathogen habang 8,875 naman ang hindi pinalad at pumanaw.

'Iligal na vaccination iwasan'

Samantala, binalaan naman ng DOH ang publiko patungkol sa iba't ibang iligal na pagpapabakuna kontra COVID-19 na naiuulat nitong nakaraan — bagay na hindi pa nakakakuha ng sertipikasyon mula sa pamahalaan.

Kamakailan kasi nang maiulat na may ilang negosyante na ang nabigyan ng vaccine habang naidulog na sa otoridad ang ilang pagbabakuna na ginawa na aniya sa Binondo, Maynila at Lungsod ng Makati.

"Nakikita natin itong... kasabikan ng ating mga kababayan dito sa bakuna. Pero kailangan po nating alalahanin na wala pang natatanggap ang Food and Drug Administration from any manufacturer para magparehistro ng kanilang bakuna para sa ating bansa," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum kanina.

"Wala pa pong rehistrado o authorized na vaccine para gamitin sa ating populasyon. We like to warn and advise the public na kapag gumamit po tayo ng mga hindi rehistrado... na bakuna... hindi po natin maga-guarantee 'yung safety nito... at hindi natin maga-guarantee... na it's going to give you the specific effect that your body needs para maprotektahan kayo laban sa COVID."

Aniya, mas maganda pa rin na antayin ang lehitimong mga bakuna lalo na't maaaring mas makasama pa ito kaysa makatulong sa mga matuturukan nito.

Ayon sa World Health Organization, halos 72.9 milyon na ang nahahawaan ng nasabing sakit sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, 1.6 milyon na ang patay. — James Relativo

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with