^

Bansa

Duterte 'di nakatiis, binira agad si Drilon, ABS-CBN sa simula ng 2020 SONA speech

James Relativo - Philstar.com
Duterte 'di nakatiis, binira agad si Drilon, ABS-CBN sa simula ng 2020 SONA speech
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ibinibigay ang kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), ika-27 ng Hulyo, 2020
Video grab mula sa Facebook account ng RTVM

MANILA, Philippines — Hindi nagpatumpik-tumpik si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) at agad binatikos ang ilang miyembro ng oposisyon at dati nang nakairingan ng television network — 'yan ay kahit ilang minuto pa lang nagsisimula ang kanyang talumpati.

'Yan ay kahit kadalasang tinatalakay sa SONA ang mga accomplishments at nais gawin ng pangulo sa nalalabing taon ng panunungkulan.

Ilan sa mga hindi nakailag sa kanyang birada ay si Sen. Franklin Drilon at ang media network na ABS-CBN, na pinagbantaan ni Duterte noong 2018 na hindi mare-renew ang prangkisa.

"My countrymen, it is sad that while government focuses its attention and resources with the coronavirus, there are those that take advantage of a preoccupied government," ani Duterte.

"One of them is Sen. Frank Drilon. In an interview, he arrogantly mentioned, among others, that oligarchs need not be rich. Then, he linked the [dynasty] system with oligarchy, and the topic was my daughter and son."

Kamakailan lang kasi nang hamunin ni Drilon si Duterte na ipasa ang "anti-dynasty bill," kung totoong nais ni Digong durugin ang "oligarkiya" — bagay na ipinagmalaki ng presidente matapos ibasura ng Kamara ang hiling na legislative franchise ng ABS-CBN.

Basahin: Ayaw sa 'oligarkiya'? Ipasa ang anti-dynasty bill, sabi ni Drilon kay Duterte

May kinalaman: Days after ABS-CBN shutdown, Duterte celebrates ‘dismantling the oligarchy’

Ayon kay Drilon, patuloy kasing namamayagpag ang mga "oligarko" — o maliit na grupo ng taong nagkokontrol sa buong bansa o gobyerno — dahil mismo sa pamamayagpag ng mga "political dynasties," bagay na parte ang pamilya Duterte.

Kilalang political clan ang sa Mindanao ang mga Duterte, lalo na't alkalde ng Davao ang anak niyang si Sara Duterte-Carpio, Davao City Rep. si Paolo Duterte at Davao City Vice Mayor naman si Baste Duterte.

Tagapagtanggol ng mga Lopez?

Samantala, pinaratangan naman ni Digong ang senador na ipinagtatanggol diumano ang mga Lopez, bagay na hindi naman inilinaw ng pangulo kung saan niya hinugot.

"Obviously, he was defending the Lopezes, that they were not oligarchs. Great wealth enabled economic elites and corporations to influence public poilcy to their advantage," patuloy ni Duterte.

"Media is a powerful tool in the hands of oligarchs like the Lopezes, who use their media outlets in their battles with political figures."

Giit pa ng pangulo, isa siyang "casualty" ng mga Lopez noong 2016 national elections matapos hindi maiere ng ABS-CBN ang lahat ng kanyang mga patalastas noong nangangampanya pa. 'Yan ay kahit nanalo naman siya sa eleksyon. 

Pinakawalan ni Duterte ang mga naturang birada kahit sinabi niyang napatawad na niya ang Kapamilya Network at pamilya Lopez matapos humingi ng tawad ni ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak.

Related video:

vuukle comment

2020 SONA

ABS-CBN

FRANKLIN DRILON

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with