^
Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal
Nagtitirik ng kandila ang lalaking ito sa labas ng opisina ng ABS-CBN matapos ipatigil ng NTC ang kanilang operasyon matapos mapaso ang kanilang prangkisa, ika-5 ng Mayo, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal

James Relativo (Philstar.com) - July 10, 2020 - 3:23pm

MANILA, Philippines — Pormal nang ibinasura ng mga komite ng House of Representatives ang panukalang magpapanibago sana sa legislative franchise ng ABS-CBN, Biyernes.

Ang desisyon ay inilabas matapos bumoto ang 70 konggresista kontra rito, habang 11 lamang ang bumoto pabor dito. Nag-abstain naman ang isa at nag-inhibit ang dalawa.

Matatandaang napaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo, at ipinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) noong ika-5 ng Mayo.

Kahapon lang nang sabihin ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na tinawagan siya ng isang emisaryo ng kumpanya para manuhol at bumoto pabor sa franchise renewal.

"May tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng P200 milyon," sabi ni Yap.

"Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko."

Pinabulaanan na ng ABS-CBN ang paratang, at sinabing wala itong katotohanan: "We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings."

Duda naman si dating Kabataan party-list Rep. at ex-Presidential Commission for the Urban Poor chairperson Terry Ridon sa mga akusasyon.

Kung totoo raw kasi na nanunuhol ang ABS-CBN sa mga mambabatas ay aabutin nang P4.6 bilyon para lang "mabayaran" ang mayorya ng mga nasa House Committee on Legislative Franchises.

"Will anyone sell a third of their company just to payoff a congressional committee? Probably not. To reach a majority of all members, P30.5-B," sabi ni Ridon.

"Pre, anong pinagsasabi mo?"

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

ABS-CBN HOUSE OF REPRESENTATIVES LEGISLATIVE FRANCHISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with