^

Bansa

PHAP at PhilHealth, pinahaharap sa kamara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PHAP at PhilHealth, pinahaharap sa kamara
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Go Yap, chairman ng Appropriations Committee, maghahain siya ng resolusyon ngayon upang malaman kung may basehan ang mga reklamo ng PHAP.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Pahaharapin sa Kongreso ni ACT-CIS Cong. Eric Go Yap ang pamunuan ng Philippine Hospital Association of the Philippines (PHAP) at PhilHealth matapos magreklamo ang mga grupo ng mga pribadong ospital na hindi pa sila nababayaran ng naturang government agency dahilan para magsara na ang kalahati ng kanilang mga miyembro.

Ayon kay Cong. Yap, chairman ng Appropriations Committee, maghahain siya ng resolusyon ngayon upang malaman kung may basehan ang mga reklamo ng PHAP.

Batay aniya sa report ni Pangulong Duterte, sa ulat ng PhilHealth noong nakaraang linggo, nagbayad na umano sa unang limang buwan ng taong kasalukuyan ang ahensya ng P37.683 billyon sa insurance claims ng mga pribadong ospital.

Subalit iginigiit naman ng PHAP na hindi pa sila nababayaran at kailangang rebyuhing mabuti ang kanilang records para malaman  kung sino  ang nagsasabi ng totoo.

Nabatid sa ulat ng PHAP na halos kalahati ng kanilang mga miyembro ay pawang emergency rooms na lang ang nag-o-operate dahil nga sa kakulangan ng budget para sa operating expenses nito.

Giit pa ni Cong. Yap karamihan ng mahihirap na Pilipino ay PhilHealth card lang ang dala kapag nagtutungo sa ospital para magpagamot at magiging mala­king problema ‘pag hindi na tatanggapin ang PhilHealth card ng mga pribadong ospital kung hindi nagbabayad ang nasabing government health insurance agency sa mga utang nito.

vuukle comment

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with