Duterte pabor sa ‘blended’ learning ng DepEd
MANILA, Philippines — Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘blended learning’ na balak ipatupad ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase.
Sinabi ng Pangulo, na maghahanap din siya ng pondo para masiguro na maayos itong maipatutupad ng DepEd.
Sa televised meeting ng IATF kasama ang Pangulo, ipinaliwanag ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa ilalim ng blended learning, ang pag-aaral ay gagawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng module sa mga mag-aaral, at paggamit ng TV at radyo at internet.
Paliwanag ni Duterte, nakikita niyang ‘feasible’ ang naturang programa ng DepEd.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkaroon ng face-to-face classes hanggang walang nadidiskubreng bakuna kontra COVID-19.
Related video:
- Latest