^

Bansa

Cayetano: ABS-CBN franchise hearing agad? 'Marami' pang dapat i-resolba

Philstar.com
Cayetano: ABS-CBN franchise hearing agad? 'Marami' pang dapat i-resolba
Makikitang nakikipagpulong si House Speaker Alan Peter Cayetano sa litratong ito.
Released/Alan Peter Cayetano

MANILA, Philippines — Ayaw munang kagatin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga panawagang paspasan na ang mga pagdinig hinggil sa legislative franchise ng ABC-CBN.

'Yan ay kahit na nag-expire na ang prangkisa ng Kapamilya Network noong ika-4 ng Mayo.

"To those calling for an immediate hearing on this matter, including my colleagues in Congress, let me just be very clear - a hearing does not mean automatic renewal," sabi ni Cayetano sa isang Facebook post.

"[T]here are still other concerns that need to be resolved."

Kanina lang nang sumulat kay Cayetano ang 14 mambabatas para himukin siyang simulan ang committee hearings hinggil sa franchise application ng ABS-CBN.

Pero paliwanag ng House leadership, mas prayoridad ngayon ng House of Representatives ang mga panukalang may kinalaman sa serbisyo, lalusugan, edukasyon, agrikultuyra atbp.

Ang tanging tiyak lang daw, kung magsimula agad ang mga pagdinig, ay ang makakapagpresenta ng panig ng ABS-CBN at mga tumututol sa kanila.

Hindi rin daw uubra na madaliin ang mga hearing dahil kinakailangan aniiya ang masusing proseso para "madispatsa ang mga kalituhan at duda."

"Ultimately, it is only through a fair, impartial, comprehensive, and thorough presentation and appreciation of the evidence that we can clear the air. Your House Of The People will put the interest of the Filipino people FIRST, and in these extraordinary times prioritization, fairness and timing is of utmost importance," kanyang panapos.

Kahit na ganito, tinitiyak ni Cayetano na hindi niya kinakalimutan na responsibilidad nilang tugunan ang isyu sa Kamara.

Pasahan ng sisi

Una na niyang sinisi ni Cayetano si Solicitor General Jose Calida at National Telecommunications Commission (NTC) sa pagkakaalis sa ere ng ABS-CBN, kahit na Konggreso ang siyang magdedesisyon sa prangkisa sa huli't huli.

Matatandaang nagbaba ng "cease and desist order" ang NTC laban sa Kapamilya Network noong ika-5 ng Mayo, matapos mag-expire ang kanilang legislative franchise.

Nangyari 'yan matapos takutin ni Calida ng kasong "graft" ang NTC kung pipiliin nilang magbigay ng provisional authority sa kumpanya upang makatakbo habang dinidinig ang mga panukala.

Ika-6 ng Mayo nang sisihin nina Albay Rep. Edcel Lagman at Buhay party-list Lito Atienza si Cayetano, sa dahilang hindi raw niya ginampanan ang trabaho para matiyak na maaksyunan ang mga panukala.

Kilalang kaalyado ni Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte, na dati nang nagbantang hindi ipare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Samantala, kahapon lang nang i-adopt ng Senado ang resolusyong nananawagan sa NTC na bawiin ang inihaing ceaswe and desist order laban sa dambuhalang media network. — James Relativo

vuukle comment

ABS-CBN

ALAN PETER CAYETANO

LEGISLATIVE FRANCHISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with