Lalabag sa ECQ poposasan na sa Baguio City
BAGUIO, Philippines — Ipinag-utos sa pulisya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paglalagay ng posas sa mga mahuhuling lumalabag sa Enhanced Community Quarantine sa kanyang teritoryo simula kahapon.
Ayon kay Magalong na dating PNP general, kinakailangang mapaigting ng pulisya ang awtoridad nito sa pagpapatupad ng batas lalo na’t nalalapit na ang pagtatapos ng lockdown sa Luzon ?sa Abril 30.
Nabatid na marami pa ring pasaway sa lungsod na lumalabag sa curfew at panuntunan sa social distancing na dahilan para kumalat ang virus.
“We need to stave off complacency otherwise all our efforts will be put to waste,” dagdag ni Magalong.
- Latest