^

Bansa

Disaster department pinamamadali

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng ilang kongresista na sertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang panukalang batas na magtatatag sa Department of Disaster Resilience (DDR) sa gitna ng pagputok ng bulkang Taal.

Bukod dito, umapela rin si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., sa kanyang mga kasama sa kamara na madaliin ang deli­berasyon sa panukalang DDR .

Iginiit pa ni Garbin na kabi-kabila na ang kalamidad na dumadaan sa bansa nitong mga nakaraang buwan subalit halos hindi gumagalaw ang delibe­rasyon sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang magiging panguna­hing ahensiya ng gobyerno na siyang tutugon at magiging accountable, liable, mamahala at mag oorganisa para maiwasan o mabawasan ang disaster risk. Gayundin ang paghahanda at pagresponde sa kalamidad, recover, rehabilitate at pagsasaayos matapos ang pananalasa.

Nanawagan din si House Deputy Speaker at 1Pacman­ partylist Rep. Michael Romero na magsagawa ng special session ang kongreso para mabilis na maipasa ang panukalang DDR.

Bukod sa pagpasa ng DDR bill, layon din ng special session na magkaroon ng supplemental budget para sa risk reduction at relief efforts kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal.

 

vuukle comment

DISASTER DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with