^

Bansa

Nagdaang 2 administrasyon sinisi ng Palasyo sa trapik

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinisi ng Malacañang ang nakaraang dalawang administrasyon (ng mga dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno “Noynoy” Aquino III) sa dinaranas na problema sa trapiko ng Metro Manila na namana ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Ang matagal nang problema ay nagmula pa sa naunang dalawang administrasyon at minana ng kasalukuyan. 

Gusto ng administrasyong ito na kagyat na lutasin ito pero mas pinili ng Kongreso na huwag bigyan ng emergency power ang Pangulo para malutas ito,” sabi ni Pa­nelo sa isang pahayag.

Nilinaw din ni Panelo na ang ibig niyang sabihin na walang naganap na mass transit crisis ay dahil kahit nagsagawa ng nationwide transport strike ay hindi rin naparalisa ang mass transport sa bansa.

Aniya, ang kasalukuyang problema sa LRT at MRT ay produkto ng maraming taon na kapabayaan ng nakaraang dalawang administrasyon at hindi dapat isisi sa kasalukuyang gobyernong Duterte.

Sinabi pa ni Panelo, nauunawaan daw niya ang kalbaryo ng mga commuters na sumasakay sa mass transport system lalo na nang masira ang LRT-2 kaya ginagawa ng gobyerno ang lahat upang isaayos ang mga problemang kinakaharap ng transport sector.

vuukle comment

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with