Pro at Anti-Sogie bill ‘girian’ sa Senado
MANILA, Philippines — Mistulang naging “battle ground” kahapon ang Senado ng mga pabor at kontra sa panukalang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality bill matapos sumugod ang mga ito sa gusali ng Mataas na Kapulungan.
Nagsagawa ng prayer rally sa harap ng Senado ang 3,000 kasapi ng Christian Coalition for Righteousness, Justice and Truth (CCRJT) kasama ang grupo ni CIBAC partylist Rep. Eddie Villanueva na Philippines for Jesus Movement.
Bukod sa isinagawang rally sa labas ng Senado, humarap din sa isang press conference ang mga tutol sa panukala na sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasama si Villanueva at anak nitong si Sen. Joel Villanueva.
Nakatitiyak si Sotto na aabot sa 15 senador ang tututol sa pagpasa ng SOGIE Equality bill.
Habang nagra-rally sa labas ng Senado ang mga kontra sa panukala, nagdaos naman ng Humanizing SOGIE Exhibit ang mga pabor na pumasa ang panukala sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros sa second floor ng Senate building.
- Latest