^

Bansa

Matatanda, may sakit na preso mas gusto sa ‘oblo’ kaysa lumaya - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nababahala si Sen. Bong Go sa katotohanan ngayon na mas ninanais pa ng mga matatandang preso, lalo ang mga may sakit, na manatili sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kaysa mamuhay sa laya o sa labas ng kulungan dahil sa kawalan ng matutuluyan o sa kanila’y mag-aaruga.  

Sa pagdinig sa Senado, kinuwestyon ni Sen. Go si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Joselito Bautista kung ano ang ginagawang hakbang ng ahensiya sa mga napalayang matatandang preso matapos magsilbi ng kanilang sentensiya.

“Meron po ba ka­yong intervention para sa mga lumalabas na preso, lalo na sa matatanda?” tanong ni Go.

Sinabi ng senador na naitanong niya ito kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Duterte sa Bureau of Corrections (BuCor) na unahin ang pagpapalaya sa mga kuwalipikadong matatandang preso. 

Gayunman aniya, maraming matatandang bilanggo na mas gusto pang manatili na lang sa pambansang piitan kaysa mamuhay sa laya dahil wala na silang mauuwiang pamilya o mag-aaruga pa sa kanila. 

Sinabi naman ni Bautista na pinag-aaralan na nila ang kautusan ng Pangulo.

vuukle comment

SEN. GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with