Anakalusugan no. 5 sa Luzon partylist survey
MANILA, Philippines — Pasok ang party-list group na ANAKALUSUGAN sa top 10 sa isinagawang party-list survey sa lahat ng lalawigan sa buong Luzon ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDINC) na inilabas kahapon.
Ang Anakalusugan (mula sa Alagaan Natin Ating Kalusugan) ang nag-iisa at natatanging partylist group na tumakbo para sa darating na midterm elections na nagsusulong ng adbokasiya ukol sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino at kinakatawan ni dating Sec. Mike Defensor.
Sa non-commissioned survey na may 8,000 respondents at isinagawa mula Abril 22-27, lumitaw na 2.6% ng mga botante ang nagsasabing boboto sila sa nasabing grupo, kumpara sa 134 grupo na kalaban nila sa eleksiyon.
Ang naturang ratings ng Anakalusugan ay katumbas ng 790,862 or 2.6% sa 3,4017,790 Luzon island voters.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nagustuhan ng botante ang kanilang adbokasiya ukol sa kalusugan.
- Latest