^

Bansa

‘Sinibak na PCSO chief ihabla’- Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Sinibak na PCSO chief ihabla�- Lacson
Ayon kay Lacson, dahil inihayag na ng Malacanang ang dahilan sa pagkakatanggal kay Balutan, marapat lamang na maghain ng kinauukulang kaso laban dito dahil sa paglabag sa anti-graft laws ng bansa.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang Malacañang na sampahan ng kaso si retired Marine general Alexander Ba­lutan na tinanggal sa puwesto bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa umano’y katiwalian.

Ayon kay Lacson, dahil inihayag na ng Malacanang ang dahilan sa pagkakatanggal kay Balutan, marapat lamang na maghain ng kinauukulang kaso laban dito dahil sa paglabag sa anti-graft laws ng bansa.

Ipinahiwatig pa ni Lacson na hinangaan niya dati si Balutan ng manindigan ito sa pagbubunyag tungkol sa malawakang dayaan sa Mindanao noong 2004 sa kabila ng banta mula sa Malacañang.

Pero noong imbestigahan ng Senado ang korupsiyon sa PCSO sa ilalim ng pamamahala ni Balutan kaugnay sa operasyon ng Small Town Lottery (STL), natanong umano ni Lacson ang sarili kung ano ang nangyari sa opisyal.

Idinagdag pa ni Lacson na kung pagbabatayan ang kilos ni Balutan sa hearing ng Senado at sa data na nakuha ng komite, naniniwala siya na may basehan ang pagkakasibak sa gene­ral manager ng PCSO.

vuukle comment

ALEXANDER BA­LUTAN

PANFILO “PING” LACSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with