^

Bansa

Research: Utak ng babae 'mas bata tignan' kaysa lalaki

Philstar.com
Research: Utak ng babae 'mas bata tignan' kaysa lalaki
Sa study na inilabas nitong Lunes, isinailalim sa positron emission tomography scan ang 121 kababaihan at 84 kalalakihan upang masukat ang brain metabolism at pagdaloy ng oxygen at glucose sa utak.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Madalas ay nananatiling mas matalas ang pag-iisip ng mga kababaihan kaysa kalalakihan sa kanilang pagtanda, at mukhang masasagot na ito ng siyensya: mas bata kasing tignan ng hanggang tatlong taon ang kanilang utak.

Sa study na inilabas nitong Lunes, isinailalim sa positron emission tomography scan ang 121 kababaihan at 84 kalalakihan upang masukat ang brain metabolism at pagdaloy ng oxygen at glucose sa utak.

Tulad ng ibang bahagi ng katawan, gumagamit ng asukal ang utak. Gayunpaman, maraming malalaman tungkol sa "metabolic age" ng utak sa kung paano nito mine-metabolize ang glucose.

Nilahukan ng mga taong 20 hanggang 82-anyos, lumalabas na "metabolically younger" ang utak ng mga babae kaysa sa mga lalaki, ayon sa pag-aaral na inilabas sa Proceedings of the National Academy of Sciences, isang peer-reviewed journal sa Amerika.

Ipinakita ng isang machine-learned algorithm na aabot ng hanggang 3.8 taong mas bata ang utak ng mga Eba kumpara sa kanilang chronological age.

Ang utak naman ng mga Adan, mas matanda ng 2.4 taon kaysa sa totoo nilang edad.

Gayunpaman, hindi naman daw nangangahulugang mas mabilis tumanda ang pag-iisip ng mga lalaki, banggit ng senior author ng study na si Manu Goyal, assistant professor of radiology ng Washington University School of Medicine sa St. Louis.

"They start adulthood about three years older than women, and that persists throughout life," sabi ni Goyal.

(Nahuhuli ng tatlong taon ang pagpasok nila sa adulthood kumpara sa mga babae, at nagpapatuloy 'yan sa paglaon ng buhay.)

Pero bakit?

Isa sa mga teoryang tinitignan ay ang maagang paghubog ng hormones sa brain metabolism, dahilan para maging mas "bata" ang mga kababaihan ng mas mahabang panahon.

Gusto namang malaman ng mga siyentista kung nagbibigay proteksyon sa mga babae ang diperensya sa metabolic age.

Kung sisilipin ang cognitive tests ng mga babae pagdating sa "reason," "memory," at "problem solving," madalas ay mas maganda ang nakukuha nilang resulta kahit sa pagtanda.

"[It] could mean that the reason women don't experience as much cognitive decline in later years is because their brains are effectively younger," dagdag ni Goyal.

(Maaaring hindi nakararanas ng sing taas na cognitive decline ang mga babae sa pagtanda dahil lumalabas na mas bata ang kanilang utak.)

Nagsasagawa na raw ng mga karagdagang pagsusuri para lalong maintindihan ang implikasyon ng research. – James Relativo

vuukle comment

AGING

BRAIN

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with