^

Bansa

Facial sketch ng pumatay kay Batocabe inilabas

James Relativo - Philstar.com
Facial sketch ng pumatay kay Batocabe inilabas
Nagmamaneho diumano ng motorskilo ang lalaki sa kaliwa habang inaalam pa ang partisipasyon sa krimen ng nasa kanan.
Photos courtesy of Philippine National Police

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Philippine National Police ang facial composite sketches ng dalawang suspek sa pagpaslang kay Rep. Rodel Batocabe (Ako Bicol party-list).

Tinukoy na nagmamaneho ng motorskilo ang isa sa mga lalaki sa sketch na tinatayang nasa 40-anyos.

Pinag-aaralan pa rin ng mga imbestigador ang partisipasyon ng isa pang pinaghihinalaang salarin sa naturang krimen.

Kamakailan ay dinagdagan ng P20 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuyang P30 milyon na naunang inilaan ng Ako Bicol party-list para sa mga makapagbibigay ng impormasyon na ikahuhuli ng mga suspek.

Si Batocabe ay nakatakdang kumandidato sa pagka-alkalde ng Daraga, Albay nang biglang tambangan habang papunta sa isang gift-giving program para sa mga senior citizens, Sabado ng ika-22 ng Disyembre.

Kasama sa mga napaslang ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.

Inirekomenda na ng pangulo na ilagay sa pangangalaga ng Commission on Elections ang Daraga dahil sa posibleng anggulo ng pulitika sa pagpatay.

vuukle comment

AKO BICOL PARTY-LIST

ALBAY

BATOCABE

COMPOSITE SKETCH

DARAGA

MURDER

SUSPECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with